PPA-LUGAW SA MGA STRANDED NA PASAHERO SA PANTALAN
29 MAYO 2023, MAYNILA — Namigay ang Port Management Office (PMO) NCR-North ng lugaw sa humigit kumulang pitompu't apat (74) na pasaherong stranded sa North Port Passenger Terminal Building (PTB) dahil sa kanseladong biyahe ng mga ilang barko na dulot ng mga isyung teknikal at masamang panahon.
Ito'y alinsunod sa programa ng Philippine Ports Authority (PPA) na pamamahagi ng libreng lugaw sa lahat ng mga pasaherong stranded ngayong panahon ng tag-ulan.