TOP-CRMS, layong ibaba ang presyo at hindi dagdagan pa ang mga bayarin sa port operations
23 ENERO 2023, MAYNILA —Nilinaw ni Philippine Ports Authority (PPA) General Manager Jay Santiago na hindi layon ng Trusted Operator Program - Container Registry and Monitoring System (TOP-CRMS) na dagdagan pa ang taas ng presyo ng mga bilihin sa merkado, sa halip ito nga aniya ang tutugon sa mga unregulated charges sa logistics cost tulad ng container deposit na ipinapataw ng mga foreign shipping lines.