PPA News & Events

PPA STEERS TOWARDS GREATER SUCCESS AT ANNUAL PERFORMANCE TARGET CONFERENCE

15 FEBRUARY 2024, MANILA — The recent Performance Target Conference (PTC) conducted by the Governance Commission for GOCCs (GCG) marked a strategic milestone as Philippine Ports Authority (PPA), led by General Manager Jay Santiago, engaged in collaborative discussions with GCG Chairperson, Atty. Marius Corpus to solidify the agency's performance targets for the year 2024.

SACHET NG MARIJUANA NA ITINAGO SA WRAPPER NG BISCUIT, NASABAT SA PORT OF MASBATE

9 PEBRERO 2024, MAYNILA — Dahil sa mahigpit na pagpapatupad ng Philippine Ports Authority (PPA) ng protocol upang masiguro na hindi makakalusot ang illegal na droga sa mga pantalan na nasa ilalim ng pamamahala ng ahensya, nasamsam sa isang menor de edad na pasahero ang dalawang sachet ng hinihinalang marijuana sa Port of Masbate nitong Miyerkoles, Pebrero 7, 2024. 

Sasakay sana ang 17-anyos na pasahero patungo sa Pio Duran sa Albay nang makita sa baggage scanner ang hinihinalang marijuana na nakabalot sa plastic ng biscuit. 

PPA PRAYORIDAD ANG MGA DISASTER-RELIEF CARGO VEHICLES PARA SA MGA NASALANTA NG PAGBAHA AT LANDSLIDE SA DAVAO REGION

7 PEBRERO 2024, MAYNILA — Kaisa ang Philippine Ports Authority (PPA) sa mga ahensya ng pamahalaan na nagbigay ng tulong sa mga kababayan nating nangangailangan sa gitna ng naranasang matinding pagbaha at landslide na dala ng Low Pressure Area (LPA) sa Davao region kung saan nakapagtala ng mga nasawi at pagkawasak ng mga ari-arian.

PPA-PMO MINDORO NAGBIGAY NG TULONG MEDIKAL SA MGA PASAHERO NG MV OCEANJET 6 NA NASANGKOT SA BANGGAAN NG SASAKYANG PANDAGAT

1 PEBRERO 2024, MAYNILA — Nagbigay ng tulong medikal ang Philippine Ports Authority (PPA) Port Management office of Mindoro sa mga crew at pasaherong sakay ng MV OceanJet 6 na nasangkot sa banggaan sa isa pang sasakyang pandagat nitong Miyerkoles, Enero, 31, 2024. 

Tatlong ambulansya ang naipadala ng PMO Mindoro sa Port of Calapan para salubungin ang mga sakay ng MV OceanJet 6 (105 pasahero at 19 na crew). Kasama ng mga Port Police ang mga rescuer na umalalay sa mga pasahero upang masuri ang kanilang kalagayan matapos masangkot sa nasabing insidente.  

MGA EMPLEYADO NG PPA NAKIISA SA MATAGUMPAY NA BAGONG PILIPINAS KICK-OFF RALLY

29 ENERO 2024, MANILA — Naging makabuluhan ang pagdalo ng mga empleyado ng Philippine Ports Authority sa isinagawang Bagong Pilipinas Kick-Off Rally sa Quirino Grandstand sa Maynila nitong Enero 28, 2024. Kaisa ang ahensya sa pagpupunyagi ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. upang mapabuti ang kinabukasan ng bawat Pilipino.

Ipinakita ng mga empleyado ng PPA ang kanilang suporta sa panawagan ni Pangulong Marcos na isang pagbabago na magbebenepisyo ang lahat ng mga Pilipino.

PPA GRANTS NOTICE OF AWARD TO LONE BIDDER OF ILOILO PORT, ICTSI

29 JANUARY 2024, MANILA — The Philippine Ports Authority (PPA), through its Bids and Awards Committee for Port Terminal Management Contracts, has awarded to International Container Terminal Services, Inc. (ICTSI) the  Notice of Award (NOA) today January 29, 2024 the management of Iloilo Commercial Port Complex (ICPC) for a total project cost of Php 10,529,133,911.03. 

DA AND PPA, STRONG PARTNERS IN SUPPORTING FOOD SECURITY AND LOWERING LOGISTICS COSTS

25 JANUARY 2024, MANILA — The Philippine Ports Authority (PPA) remains committed to pursuing a policy of active partnerships with fellow government agencies like the Department of Agriculture (DA) in supporting the initiatives of President Ferdinand Marcos, Jr. to boost food production and modernize the country’s agriculture sector.

INTERNATIONAL CRUISE SHIP NA RESORTS WORLD ONE, DUMAONG SA PORT OF MANILA

23 ENERO 2024, MANILA — Makulay at masayang pagsalubong ang bumungad sa mga turistang lulan ng international cruise ship na Resorts World One matapos itong dumaong sa Manila South Harbor ngayong Martes, Enero 23, 2024. 

Gaya ng naging aksyon sa mga naunang international cruise ship na dumaong sa bansa ngayong Enero – ang MV Vasco Da Gama at MV Westerdam – maagang pinaghandaan ng pamunuan ng Philippine Ports Authority (PPA), katuwang ang iba pang mga ahensya ng pamahalaan, ang pagdaong ng Resorts World One. Ito’y upang masiguro na ligtas at maayos ang pagdaong ng nasabing barko. 

PPA PINAYUHAN ANG MGA PASAHERO NA GUMAMIT NG IBANG RUTA KASUNOD NG NAANTALANG BYAHE DAHIL SA SAMA NG PANAHON

15 ENERO 2024, MANILA — Bunsod ng sama ng panahon dala ng hanging amihan, nabawasan ang biyahe ng mga barko sa rutang Matnog, Sorsogon – Allen, Northern Samar mula noong Linggo hanggang nitong Martes (Enero 14 hanggang 16, 2024).

Ang 13 Roll-on Roll-off (RoRo) vessel sa nasabing ruta ay nakapagtala lamang ng 25 biyahe kada araw mula sa normal na 30 na biyahe kung walang sama ng panahon. Nagdulot ito ng pagsisikip sa pantalan at pila ng mga sasakyan na umabot sa nasa 180 unit ng truck.