World-Class Terminal at Pinakamalaking Passenger Terminal Building sa Pilipinas, Binuksan na sa Publiko
27 MARSO 2023, CALAPAN — Matapos ang matagumpay na inagurasyon ng Port Operations Building (POB) ng Masbate at Coron kamakailan ay binuksan na rin sa publiko ang pinaka malaking Passenger Terminal Building (PTB) sa buong bansa na matatagpuan sa Calapan Port, Oriental Mindoro ngayong araw, ika-27 ng Marso 2023.
Ang mas pinalaki, pinaganda at modernong PTB ng Port of Calapan ay makapagbibigay serbisyo na sa nasa 3,500 na pasahero anumang oras mula sa dating kapasidad ng lumang terminal na nasa 1,600 lamang.