DOTR, PPA SINIGURO ANG MAGANDANG UGNAYAN SA PAGPAPAUNLAD NG MGA PANTALAN

Pinangunahan ni DOTr Secretary Vince Dizon at PPA GM Jay Santiago ang inspeksyon sa Visayas Container Terminal, kung saan tinalakay ang mga proyekto para sa pagpapabuti ng cargo handling at impraestruktura sa rehiyon.

08 MARSO 2025 — Pinangunahan ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Vivencio ‘Vince’ Dizon, kasama ang kanyang mga undersecretaries at si Philippine Ports Authority (PPA) General Manager Jay Santiago, ang pagbisita at inspeksyon sa Iloilo International Airport at Visayas Container Terminal (VCT), ngayong Sabado, Marso 8, 2025.

Sa kanilang pagdating sa nasabing paliparan, nagkaroon ng pagpupulong ang mga opisyal ng DOTr, PPA, Civial Aviation Authority of the Philippines (CAAP), kasama rin ang mga kinatawan mula sa lokal na pamahalaan, kung saan tinalakay ang mga nakatakdang proyekto para sa pagpapaunlad ng transportasyon at imprastraktura sa Iloilo.

Mula paliparan, nagtungo ang mga opisyal sa VCT na pinamamahalaan ng International Container Terminal Services Inc. (ICTSI) sa ilalim ng concession agreement sa PPA. Dito, nagkaroon ng maikling tour sa pantalan na nagpakita ng kanilang operasyon bilang mahalagang gateway ng international shipping trade sa rehiyon.

Sa bahagi ng PPA, kabilang sa mga pangunahing proyekto sa port development ang Construction of Crane Railway at Installation of Quay Crane sa Iloilo Commercial Port Complex, Construction ng Cruise Ship Port sa Buruanga, Aklan, kasama rin ang Alegria Port Development Projec, at iba pang proyektong pang-imprastraktura sa mga pantalan sa rehiyon.

Mula Iloilo, tumulak naman ang delegasyon patungong Bohol-Panglao International Airport upang magsagawa rin ng inspeksyon at talakayin ang kasalukuyang kalagayan at modernisasyon ng transportasyon sa lalawigan.

Sa bahagi ng PPA, ilan sa mga kasalukuyang port development projects sa Bohol ay ang pagpapalawak ng Port of Tagbilaran, Port of Jagna, at Port of Tapal. Bukod dito, nakaplano rin ang expansion ng Cruise Ship Port sa Port of Catagbacan sa Loon, Bohol, na inaasahang magpapalakas sa cruise tourism ng lalawigan.

Pagkatapos ng kanilang aktibidad sa Iloilo at Bohol, nagtungo rin sina Secretary Dizon, GM Santiago, at iba pang opisyal sa Cebu upang makipagpulong sa mga lokal na opisyal para pag-usapan ang patuloy na pagsulong ng transportasyon sa lalawigan.

Ang mga pagbisitang ito ay bahagi ng pinaigting na kampanya ng DOTr at PPA na tiyaking mas pinabubuti ang mga pasilidad sa transportasyon sa Visayas bilang tugon sa lumalaking pangangailangan sa logistics at passenger traffic sa rehiyon. ###