29 ENERO 2024, MANILA — Naging makabuluhan ang pagdalo ng mga empleyado ng Philippine Ports Authority sa isinagawang Bagong Pilipinas Kick-Off Rally sa Quirino Grandstand sa Maynila nitong Enero 28, 2024. Kaisa ang ahensya sa pagpupunyagi ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. upang mapabuti ang kinabukasan ng bawat Pilipino.
Ipinakita ng mga empleyado ng PPA ang kanilang suporta sa panawagan ni Pangulong Marcos na isang pagbabago na magbebenepisyo ang lahat ng mga Pilipino.
