16 MARSO 2024, MAYNILA — Maagang nagsagawa ng paghahanda ang mga Port Management Offices (PMOs) ng Philippine Ports Authority (PPA) sa iba’t ibang bahagi ng bansa para sa inasaahang pagdagsa ng mga pasahero sa darating na Semana Santa.
Bukod sa mahigpit na pagpapatupad ng pinag-igting na seguridad sa mga pantalan at paglalagay ng mga Help Desk na nakahandang tumulong sa pangangailangan ng mga sasakay at bababang pasahero sa mga barko, nagkaroon rin ng kanya-kanyang preparaasyon ang bawat PMO upang masiguro ang ligtas at maayos na biyahe ng publiko.
