HUMIGIT KUMULANG 100 EMPLEYADO, NAKILAHOK SA BLOODLETTING PROGRAM SA UNANG ARAW NG SELEBRASYON NG IKA-49 ANIBERSARYO NG PPA

11 HULYO 2023, MAYNILA — Nakiisa ang humigit kumulang isang daang empleyado ng Philippine Ports Authority (PPA) sa ginanap na Bloodletting Activity and Symposium na inorganisa ng Port Police Department (PPD) at PPA Human Resource Management Department (HRMD) bilang parte ng unang araw ng selebrasyon ng anibersaryo ng nasabing ahensiya.

Sa pangunguna ni PPD Acting Manager Superintendent Genaro P Mancio, Jr., kasama ang buong staff mula Intelligence and Investigation Division at Operations Division, ibinida sa nasabing aktibidad ang kahalagahan ng pag-donate ng dugo at kung gaano kalaki ang naiaambag nito sa ating lipunan.

"The answer is simple, it is a fundamental act of compassion, unity, and support for one another. It is an act that transcends differences and reminds us of our shared humanity," Ani Mancio.

Giit pa ni PPD Acting Head Mancio, malaki umano ang ambag ng isang donasyon ng dugo na maaaring makasagip ng mas maraming buhay ng tao mula sa isang aksidente, at iba pang pasyenteng nakararanas ng mga agaw-buhay na sakit. Sa pakikipag tulungan ng Philippine Blood Center (PBC), sinisigurado nito na malayo ang mararating ng mga malilikom na donasyon ng dugo tungo sa mga tunay na nangangailangang indibidwal.

"Your contribution can save lives, bring hope to families, and create a ripple effect of kindness that spreads throughout our community,” saad ni Mancio.

Tinalakay din sa nasabing programa ang iba't ibang uri ng dugo maging ang mga proseso sa pagdonate ng dugo at mga kinakailangang requirements na magdedetermina kung ikaw ay kwalipikado na maging blood donor.

Sa temang "Dugong Alay mo, Karugtong ng buhay ko", ibinahagi ni PBC Donor Motivation Officer Flora Belle Lontok na ang bawat donasyon ng dugo, ay kapalit ng nakararaming buhay.

"Hindi po mababayaran ng salapi ang inyong gagawin ngayon [blood donation]. With your selfless donation, we become the lifeline to those battling critical illnesses, traumatic injuries, or undergoing complex medical procedures. It is true the gift of blood. That we provide hope, healing and a second chance of life," Ani Lontok.

Pinasalamatan naman ni PPA General Manager Jay Daniel Santiago ang lahat ng mga blood donors sa unang araw ng aktibidad na sana'y magbigay inspirasyon umano ito sa mas nakararami pang aplikante na makatutulong sa pagsagip ng maraming buhay.

"Taos puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng mga nakiisa sa ating bloodletting program sa unang araw ng ating week-long celebration ng ating anniversary. Nawa’y magbigay kamulatan ito sa lahat lalo na ang kahalagahan ng pagdodonate ng inyong mga dugo na talaga namang makatutulong sa mga tunay na nangangailangan.” Ani PPA GM Santiago.

###