PPA: "HIGHLY ENCOURAGED" ANG PAGSUSOOT NG FACEMASK SA MGA PANTALAN NGAYONG HOLIDAY SEASON
7 DISYEMBRE 2023, MAYNILA — Hinikayat ng Philippine Ports Authority ang mga pasahero ng pantalan na mag-suot ng facemask ngayong holiday season bunsod ng naitatalang pagtaas ng kaso ng influenza sa bansa.
Ayon kay PPA General Manager Jay Santiago, bagamat hindi naman required ang pagsosoot ng facemask, mas makabubuti pa rin aniyang sundin ang mga basic health protocols gaya ng pagsiguro na mayroong tamang bakuna, paggamit ng alcohol, at ang palagiang paghuhugas ng kamay upang maiwasan ang pagkalat ng virus.